Biyernes, Marso 13, 2015

ANG EPEKTO NG ALAWANS NG MGA MAG-AARAL NG BS STATISTICS-1 TAONG 2014-2015



ANG EPEKTO NG ALAWANS NG MGA MAG-AARAL NG

BS STATISTICS-1 TAONG 2014-2015





Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa

Departamento ng Lenggwahe

University of Southeastern Philippines



Bilang Bahagi ng mga Pangangailangan sa

Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)



                                                                               Ni:

Pondang, Jesusa





Marso 2015

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Ang Epekto ng Alawans ng mga mag-aaral ng BS Statistics-1 taong 2014-2015 ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BS Statistics-1 na binubuo ni:



                                                                Pondang, Jesusa









            Tinanggap sa pangalan ng Departamento ng Lenggwahe, Kolehiyo ng Sining at Agham, University of Southeastern Philippines, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.





LUDEN A. LUMAMPAO-BATERINA

Instraktor

PASASALAMAT

            Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong walang sawang nagbigay-tulong sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay hindi magtatagumpay kung wala ang tulong nila:

·         Kay Gng. Luden A. Lumampao-Baterina ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang Filipino 2 at bilang tagapayo na rin ng aming pamanahanong papel na ito. Nagpapasalamat po kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang papel na ito.

·         Sa mga mag-aaral ng unang taon ng kursong Bachelor of Science in Statistics sa University of Southeastern Philippines na siyang pinagmulan ng aming datos, maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kung hindi niyo kami pinaunlakan at tinulungan ay maaaring wala na kaming maipepresentang papel ngayon.

·         Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang pangkat BS Statistics-1, na siyang nagbigay kulay sa unang taon nating pagsasama sa hirap ng mga asignatura, maraming salamat. Hinding-hindi naming makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating pinagsamahan bilang isang klase.

·         Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa buhay sakanilang walang sawang pag-suporta at pag-intindi sa amin lalo na’t sa mga panahong ginugol namin sa paggawa ng pamanahong papel na ito.

·         At sa Poong Maykapal na siya naming pinagdarasal at pinagsasalamatan sa kanyang gabay upang patuloy naming mapagbuti ito. Gaya ng kanyang pagbasbas ay siya naman ang bunga ng lahat ng aming paghihirap upang magawa at matapos lamang ito.

-          mga  mananaliksik


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAHINA NG PAMAGAT   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  i

DAHON NG PAGPAPATIBAY  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .    ii

PASASALAMAT  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   ..   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  iii 

TALAAN NG NILALAMAN  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  .  iv 



TSAPTER

1                      INTRODUKSYON  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  1  

                Paglalahad ng Suliranin   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   2

                Kahalagahan ng Pag-aaral  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .    2

                Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral  .   .  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .    3

                Depinisyon ng mga Termino  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  .     3

2                      KAUGNAY NA PAG-AARAL AT PANITIKAN  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   4

              Mga Kaugnay na Pag-aaral  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  .    4  

              Mga Kaugnay na Literatura  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  .   5

3                      DISENYO AT METODOLOHIYA  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   7 

              Disenyo ng Pag-aaral  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .    7

              Mga Respondente  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  .   7

              Instrumento ng Pananaliksik  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  .  .   8

4                      PAGLALAHAD, ANALISIS AT
              INTERPRETASYON NG MGA DATOS  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .   .    9



5                      BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON  .   .   .   .   .   .   .   .   .   .  19

BIBLIOGRAFI

APENDIKS

TSAPTER I

INTRODUKSYON
Ang alawans ay maaaring ibigay ng mga magulang o kahit sino sa pamilya at ng gobyerno sa mga mag-aaral na iskolar. Ang alawans ay pera na gagastusin o badyet sa isang linggo o buwan ng estudyante. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahong ito ay nagbigay-daan din sa pagkakaroon ng pag-aaral sa alawans ng mga mag-aaral. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe, at iba pa ay lubos na nakakaepekto sa kakayahan ng isang pamilya kung ilan ang ibibigay ng isang magulang sa kanyang anak.
Marami na rin ang pinaglalaanan o pinagkakagastusan ng mga mag-aaral lalo na’t ito ay hindi maiiwasang mga bagay-bagay tulad ng pagkahumaling sa mga gadgets, pagkaadik sa computer games at social networks, at iba pang mga kinahihiligan na nakakaapekto sa paguugali ng mga kabataan.
Sa pag-aaral na may pamagat na “Ang Epekto ng Alawans ng mga mag-aaral ng unang taon sa University of Southeastern Philippines ng kursong Bachelor of Science in Statistics, taong 2014-2015” ay masusuring tatalakayin  kung saan nilalaan ang alawans ng mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito kung ilan ang kanilang natatanggap sa bawat araw ng pasukan sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga iba’t ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang maibadyet ang gastusin at makapag-ipon ng pera mula sa alawans na binibigyan ng mga magulang sa kanila. 

Paglalahad ng Suliranin
            Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin at pag-aralan ang epekto ng alawans ng mga mag-aaral ng BS Statistics-1 taong 2014-2015. Layunin ng pag-aaral na masagot ang mga sumusunod na patanungan.
1.      Ano-ano ang iba’t-ibang mga suliranin ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang alawans?
2.      Ano-ano ang nakakabuting epekto ng pagkakaroon ng sapat na alawans ng mga mag-aaral?
3.      Ano-ano ang nakakasamang epekto ng pagkakaroon ng sobra na alawans ng mga mag-aaral?
Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa Epekto ng alawans ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Statistics (BS Stat) sa University of Southeastern Philippines.
Layon nitong makatulong sa mga sumusunod:
·         Sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong BS Statistics, maari itong maging gabay upang sila ay magkaroon ng kaalaman upang magkaroon ng tamang pagbabadyet sa pera.
·         Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari ding malaman ng mga instruktor ang kanilang napakahalagang partisipasyon sa paggabay sa mga estudyante ukol sa tamang pagbabadyet ng pera dahil naibabahagi ng mga instruktor ang kanilang karanasan sa pagbabadyet ng pera dahil naging estudyante din sila.
·         Sa mga mananaliksik, na pawang nasa kolehiyo, upang sila’y magabayan din sa tamang paggastos ng alawans.
·         Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, lalo na sa lahat, inaasahan ang mga estudyanteng kumukuha ng BS Statistics na magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa tamang paggamit ng alawans.

Saklaw at Dilimitasyon
            Ang sakop ng pag-aaral ay sa epekto ng alawans ng mga mag-aaral sa unang taon sa kursong Bachelor of Science in Statistics (BS Stat). Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos. Sa apatnapu (40) respondente mula sa  kursong BS Statistics sa University of Southeastern Philippines sumagot ng talatanungan. Nahati ito sa dalawang kasarian, babae ay dalampu(20) at dalawampu(20) na lalaki. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondente. Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral.

Depinisyon ng mga Termino
            Sa pag-aaral na ito madalas ginagamit ang mga sumusunod ng mga salitang binigyang kahulugan.
Alawans. Ito ay tumutukoy sa pera o badyet ng mga mag-aaral ng unang taon ng BS Statistics.
BS Statistics-1. Ito ay tumutukoy sa mga respondente ng pag-aaral. Sila ay nasa unang taon sa kursong Bachelor of Science in Statistics, taong 2014-2015 sa University of Southeastern Philippines.
Epekto. Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng pag-aaral ng mga mag-aaral.




TSAPTER II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT PANITIKAN
            Sa kabanatang ito ipapahayag ang mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sapananaliksik na ito.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
            Bilang isang estudyante, mahalagang malaman kung papaano gagastusin ang kanyang baong salapi, nagko-commute man o hindi. Nakakatulong ito sa kaayusan ng paggastos, kawastuhan ng pamamahala sa salapi, at kung lumaon, pati sa pagkamit ng mga pangarap namay kinalaman sa kayamanan. Malaking porsiyento ng kanilang baon o kita (kung may negosyo o trabaho) ay napupunta sa pagbili ng pagkain. Isang dahilan kung bakit ang pagkain ay mahalaga at nararapat lamang para sa kalusugan natin. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit malaking bahagi ng pera ang napupunta rito ay ang kamahalan ng pagkain at bilihin ngayon. Alam naman nating lahat na ang mga presyo ng bilihin ay patuloy na tumataas dulot ng krisis. Isa pa sa mga maaaring dahilan ay ang kakulangan sa pagkontrol sa sarili. Minsan ay hindi natin mapigilang bumili ng mga pagkaing masasarap o matagal na nating hindi natitikaman.
            Pangalawang pangunahing gastusin ay ang transportasyon o pamasahe. Maraming estudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa kanilang tahanan upang pumasok sa klase. Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang napupunta rito.
Ikatlo ang gastusin sa paaralan. Nabibilang dito ang gastos sa pagpapapakopya ng mga handout mula sa mga propesor.
Sumusunod sa listahan ang internet o kompyuter, hilig o gusto (gadgets), at sa kasintahan. Ngayong alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat ring malaman ang ilan sa mga pamamaraan tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet. Kailangan alam natin ang mga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita ng pera.
Ayon kay June Walbert, dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay walang sapat na karanasan sa paghawak ng pera, responsibilidad ng mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng paggastos ng pera sa wastong paraan.
Ayon sa Young Money Magazine, magagawang limitahin ang gastusin sa pagkain sa pamamagitan ng pagbili ng pagkaing hindi mabilis maubos at mabulok tulad ng instant noodles, embutido, longganisa, tocino at iba pang mga ready-to-cook na pagkain . Pumili rin ng pagkaing madaling lutuin o gawin.
Sabi naman sa artikulong Epektibong Pagbabadyet ni Jonathan Poblacion, hangga’t maaari, magbaon na lamang ng pagkain sa paaralan at iwasang bumili sa mga restaurant o fastfood chains. Kung lalabas naman o may pupuntahang lakad kasama ang mga kaibigan, magdala lamang ng sapat na perang gagastusin. Kung malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin ang posibilidad na mapagastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan.
Kaugnay na Literatura
Alawans ng mga nagrerenta ng boarding
Ang layunin ng alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe kung magmumula sa isang malayong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas malapit na sa paaralan.
Alawans ng mga nag byabyahe
Ang pakinabang na ito ay lalo nainilaan upang pagsamahing muli ang isang full-time na post-sekundaryong mag-aaral na pumapasok sa kolehiyo (kabilang ang mga post-baccalaureate antas), teknikal o bokasyonal na paaralan sa mga empleyado/magulang paghahatid sa US na pamahalaan sa ibang lugar. Gayun paman, ang pang-edukasyon na paglalakbay ay maaaring bayaran para sa isang bata sa sekundaryong paaralan (grado 9 sa pamamagitan ng 12) sa halip ng edukasyon ng allowance nainilarawan sa itaas. Pang-edukasyon sa paglalakbay ay hindi maaaring bayaran sa parehong oras bilang ang alawans ng edukasyon at hindi dapat malito sa transportasyon bahagi ng ang "malayo-mula sa-post" na edukasyon alawans. Educational travel can commence from either the school or the post, but only one round trip between school and post is allowed annually.
Pang-edukasyon paglalakbay ay maaaring pasimulan mula sa alinman sa paaralan o sa mga post, ngunit lamang ang isang buweltahan sa pagitan ng paaralan at pagkatapos ay pinapayagan taun-taon. Based on achange in law, the DSSR changed effective July 22, 2007 eliminating the restriction that the school attended full-time had to be in the United States. Batay sa isang pagbabago sa batas, ang DSSR ang nagbago epektibo Hulyo 22, 2007 aalis ang paghihigpit na pumasok ng paaralan ng full-time na nagkaroon na maging sa Estados Unidos



TSAPTER III
DISENYO AT METODOLOHIYA
            Sa bahaging ito tatalakayin ng mga mananaliksik ang desinyo ng pag-aaral. Mga respondent, instrumento ng pananaliksik, at proseso ng pananaliksik.
Disenyo ng Pag-aaral
            Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maikling paglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralan kaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na ito ay nababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalas ginagamit ang pamaraang ito. Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simpleng pagbubuod sa kung ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng graf nabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon.
Mga Respondente
            Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay apatnapu (40) mag-aaral sa unang taon ng kursong BS Statistics sa University of Southeastern Philippnes sa ikalawang semester ng taong 2014-2015. Ayon sa kanilang kasarian, dalawampu (20) ang lalaking respondente at dalawampu (20) ang babaeng respondente.  Sila ang mga napiling respondente para sa pananaliksik sapagkat ang kursong ito ay may kinalaman sa pera at sila ang tagapagtaguyod at taga-pagpanatili ng pinansiyal na mga talaan kaya sila ang angkop sa pananaliksik na ito.

Instrumento ng Pananaliksik
            Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga datos kaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit ng alawans ng mga respondente.


TSAPTER IV
PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
            Sa bahaging ito ilalahad ang mga natuklasang datos at pag-aanalisa ng pag-aaral.
Paglalahad at pag-aanalisa ng mga datos
Inalam din sa pagsusuri ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Dalawanpu (20) na lalaki at dalawanpu (20) na babae. Sa kabuuan apatnapu (40) lahat ng nasarbey sa unang taon ng BS Statistics taong 2014-2015.

















Batay sa bar graph na nasa itaas mas malaki ang araw-araw na alawans ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Karamihan sa mga lalaki ay may alawans na Php 51-100 habang sa mga babae ay Php 101-200.
            Mas malaki ang bilang ng lalaki na mayroong pinagkakakitaan kaysa babae. Sa kabuuan ng datos, kadalasan ng mga respondente ay nagsagot na wala silang pinagkakakitaan.
            Mas malaki ang porsyento ng mga lalaking nakatira sa dorm/apartment kaysa sa mga babae.
Batay sa graf na nasa itaas umabot ng Php 10-50 ang araw-araw nilang ginagastos sa transportasyon.
           
Mas malaki ang ginagastos ng mga lalaki sa pagkain araw-araw kaysa sa mga babae. Nakakagastos sila ng Php40-60 para sa pagkain araw-araw.
            Ang mga babae ang karaniwang nagdadala ng baon para sa pananghalian kaysa sa mga lalaki. Umabot ito ng 6% kaysa sa mga lalaki na 2% lamang.
Pantay ang gastosin ng lalaki at babae sa kanilang proyekto. Umabot lamang ng Php 20-150 ang kanilang karaniwang ginagastos.
Ang mga babae ay karaniwang kumakain sa mahabang oras na bakante nila samantalang ang mga lalaki ay pantay ang mag-kompyuter, foodtrip at uuwi sa bahay/dorm.
            Karamihan walang ginagastos ang mga babae sa paglilibang habang ang mga lalaki ay gumagastos ng P50-100.
            Karamihan ng alawans ng lalaki at babae ay napupunta sa kanilang transportasyon.

Pinakamalaking gastosin ng babae ay ang pagkain.
Pinakamalaking gastosin ng lalaki ay ang pagkain.
            Gumagawa/sumusulat ng plano para sa budget ang babaae kaysa sa mga lalaki.
            Mas sumusunod sa budget plan ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
          
 Ang mga babae ang may mas malaking porsyento na sumobok mag-ipon ng pera kaysa sa mga lalaki.

Mas malaking halaga ang naiipon ng mga lalaki kahit na kunti lang ang sumubok mag-ipon.

 
TSAPTER V
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

            Sa bahaging ito ng pag-aaral ay inilalahad ng mga mananaliksik ang naging buod, konklusyon at rekomendasyon ng pag-aaral.

Boud
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay alam sa mga bagay na epekto ng alawans sa kursong Bachelor of Science in Statistics (BS Stat) sa University of Southeastern Philippines. Gamit ang deskriptib na pamamaraan, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa apatnapung (40) respondente na binubuo ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kursong BS Statistics sa University of Southeastern Philippines.

Kongklusyon
Pagkatapos i-tally ang resulta ng sarvey-kwestyoneyr, nalaman ng mga mananaliksik kung saan kaunti lamang ang karamihan ang mga sumusunod na kongklusyon:
 Makikita na ang iba’t-ibang suliranin ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang alawans ay kulang ang binibigay na pera ng kanilang magulang. Dahil kulang ang pera, walang pambili ng pagkain,walang pangtransportasyon, walang pangkompyuter, walang pang bayad ng art materials, printing at paglilibang. Nalaman din ng mga mananaliksik na mas maraming lalaki ang nakatira sa dorm/apartment. Ang karaniwang gastusin sa proyekto ay Php 50-150. Ayon sa datos na nakalap, ang lahat ng alawans ay mapupunta lamang sa transportasyon.
Ang nakakabuting epekto ng pagkakaroon ng sapat na alawans ng mga mag-aaral ay makikita na ang pinakamalaking bahagdan ng alawans araw-araw ay Php 10-50. Mas marami ding babae na Php 10-50 ang kanilang ginagastos sa transportasyon. Nakakatulong din na marami ang bilang ng babae na nagdadala ng baon sa pananghalian kaya malaki ang natitipid sa alawans nila. Ang pangunahing pinagkakagastusan ng mga respondante ay ang pagkain. Sumunod dito ang transportasyon dahil maraming estudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa kanilang tahanan upang pumasok sa klase. Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang nagagastos rito.
Ang nakakasamang epekto ng pagkakaroon ng sobra na alawans ng mga mag-aaral ay malaki ang ginagastos nila sa pagkain araw-araw sa halagang Php 40-60. Malaki ang porsyento ng babae na kumakain tuwing may bakanteng oras sila at sa lalaki naman pantay ang porsyento na mag-kumpyoter, food trip at uuwi sa bahay kapag mayroon silang bakanteng oras. Kaya mas malaki ang  ginagastos ng lalaki sa paglilibang kaysa sa mga babae. Maliit lang ang porsyento na minsan lang gumawa ng plano sa badyet ang mga respondante at minsan lang din nila ito sinusunod. At maliit lang din ang nag-iipon nilang pera. Kadalasan din maliit nalang ang naiipon ng mga estudyante dahil sa dami ng binibili nila na hindi mahalaga. At maliit din ang porsyento ng nag-iipon ng pera dahil lahat winawaldas. Malimit na lang ang paggastos ng mga estudyante sa kursong BS Statistics ang nabibigyang tuon ang pansariling pangangailangan gayundin sa karelasyon nila. Nalaman din ng pagsusuring ito na binibigyan ng badyet ang paggamit ng internet. Dahil sapat ang pera na binibigay sa mga mag-aaral ng BS Statistics, kaunti lamang ang naitatabi nila.

Rekomendasyon
a. Magdala lamang ng sapat na halaga sa tuwing papasok sa paaralan. Dapat ipunin lamang ang sobra o ang pera na hindi mo nagastos upang magamit pa ito sa mga mahahalagang bagay.
b. Dapat iwasan ang pagiging magastos. Huwag bili ng bili lalo na kung ito’y hindi kinakailangan. Kailangang malaman ng isang estudyante kung paano kontrolin ang kanyang alawans at kung magkano ba talaga ang kanyang kinakailangan para sa mga gastusin sa bawat araw.

BIBLIOGRAPI
Maluntag, Meliza D., 2012. Dagdag Alokasyon sa mga Estudyante Igigiit. Manila: Remate Ang Dyaryo ng Masa mula sa (http://www.remate.ph/2011/09/dagdag-alokasyon-sa-mga-estudyante-igigiit)
Pinoy Weekly Staff. 2012. Badyet sa Edukasyon: Kaltas sa SUCs at kakapusan sa DepEd. PinoyMedia Center Inc. mula sa (http://pinoyweekly.org/new/2011/08/2012-badyet-sa-edukasyon-kaltassasucs-at-kakapusan-sa-deped/)
Laderas, Charmane, A., et al. 2010. Akademikong Filipino. Blogspot.com. mula sa
Atom, Christian B., 2009. Student Budgeting. Blogspotspot.com. mula sa (http://studentbudgetingustnursing.blogspot.com/)
http://www.ehow.com/how_2199383_survive.college.students.budget.html?ref=fuel&utm_source=yahoo&utm_medium=ssp&utm_campaign=yssp_ant
Ryan Jay Daluyin P., 2008. Estudyantipid 101. Blogspot.com. (http://estudyantipid101.blogspot.com/2007_09_01_archive.html)
http://translate.google.com.ph/translate?hl=tl&langpair=en|tl&u=
http://www.ehow.com/how_2199383_survive.college.students.budget.html?ref=fuel&utm_source=yahoo&utm_medium=ssp&utm_campaign=yssp_ant
http://wow.essortment.com/family/budgetingtipss_sudl.htm

 
SARBEY KWESTIYONER
Ang Epekto ng Alawans ng mga mag-aaral ng BS Statistics-1 taong 2014-2015
Instruksiyon: Suriin ang iyong mga kani-kanyang mga sagot sa bawat tanong.
Kasarian:         _Babae           _Lalaki
1.                  Magkano ang inyong pang-araw-araw na alawans?
 __ Php10 -- 50                       __ Php51 -- 100
__ Php101 -- 200                    __Php201 Pataas

2.         Mayroon ka bang pinagkakakitaan o dagdag na hanapbuhay?   __Oo          __Hindi
Kung Oo, galing ba sa iyong sweldo ang iyong alawans?      __Oo              __Hindi

3.         Nakatira ka ba sa isang dorm / apartment?                             __Oo   __Hindi

4.         Kung Hindi,  magkano ang pera na iyong ginastos para sa  transportasyon sa pang-araw-araw?
__ Php 10.00 -- 50.00                                     __ Php 50.00 --  90.00
__ Php 90.00 -- 150.00                                   __Php 150 -- 200 pataas

5.         Magkano ang ginagastos mo para sa iyong pagkain sa pang-araw-araw?
__Php40-60                             __Php60-100
__Php100-150                         __ Php 150-200

6.         Nagdadala ka ba ng baon para sa pananghalian sa paaraalan?
__Oo                           __Hindi
Kung Oo, magkano ang iyong maiipon? Php____

7.         Magkano ang karaniwan mong gastusin sa iyong mga proyekto?
__Php50-150               __Php150-200
__Php200-350             __Php350-500

8.         Ano ang iyong karaniwang gawin sa mahabang oras na bakante?
__mag-kompyuter       __hang outs    __maglaro
__food trip                 __uuwi ng bahay/ dorm
           
9.         Magkano ang ginagastos mo sa iyong paglilibang?
__wala                         __Php50-100               __Php100-150
__Php150-200             __Php200 pataas

10.       Saan sa tingin mo ay ang karamihan sa iyong alawans mapupunta?
__pagkain                                __art materials (paint, papers, boards, etc.)
__ transportasyon                    __ printing (for research papers, plate references, etc.)
 __ paglilibang (computer shops, cell phone load, „gala‟, etc.)

11.       Pagsunod-sunorin ang iyong mga prayoridad pagdating sa paggastos sa mga sumusunod:
  (* 1 bilang pinakamababang at pinakamataas  ay 5)
__ pagkain       __ art materials (paint, papers, boards, etc.)
__printing (for research papers, plate references, etc.)
__ transportasyon
 __ paglilibang (computer shops, cell phone load, „gala‟, etc.)

12.       Gumagawa / sumusulat ka ba isang plano para sa badyet?
__Oo               __Palagi          __Madalas
__Minsan        __Hindi, hindi kailanman

13.       Kung gayon, sinusunod mo ba ito (badyet plan)?
__Oo               __Palagi          __Madalas
__Minsan        __Hindi, hindi kailanman

14.       Sinubukan mo na bang mag-ipon ng pera?
__Oo               __Palagi          __Madalas
__Minsan        __Hindi, hindi kailanman

15.       Kung gayon, magkano ang iyon naiipon?
__Php 10.00 - 50.00                __ PHP 50.00 - 100.00
__Php 100.00 - 200.00            __Php 200 Pataas




















DOKYUMENTASYON





 

 










 
Pangalan:         Pondang, Jesusa B.
Palayaw:          Jes
Kaarawan:       Desyembre 22, 1995
Edad:              19
Tirahan:           PDRHAI Village, Km.12, Davao City
Account : Fb ( common_sense09@rocketmail.com.)
                Twitter (lovegreen12@yahoo.com)
                 Gmail & tumblr (jebern20@gmail.com)